President Ramon Magsaysay: Isang Pag-aalay kay Francis M.

leafHabang abala ang karamihan sa atin nitong panahon ng Kwaresma, sa kabilang dako naman ay ang walang humpay na mga ensayo para sa mga gradunation. Ngayon hapon lang, habang pinagmamasdan ang mga kinder sa kanilang ensayo, ay napaisip ako – anong bukas ang naghihintay para sa kanila dito sa Pinas? Habang tumataghoy ako sabay sa kanilang gradunation march anthem, napabuklat ako sa isang aklat at dun sa page 61, napatuon ang aking pansin. Sa pakikinood ko din pala ay naalala ko ang post na to ni payatot tungkol sa pagbibigay-pugay sa ating mga magulang. Pero, nung umpisahan ko nang basahin ang pahina 61, bigla kong naalala ang isang kolum din ni Professor Randy David, na nagbabanggit ng iba-t ibang presidente at sino yung mga nag-iwan ng magagandang alaala at sino yung kinamumuhian. Sa puntong ito, alam nyo na siguro na sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Presidenteng ito ang walang ka-taste taste sa masang Pilipino. Sa dami-dami man ng mga sopistikadong pag-analisa sa kalagayan ng ating bansa, tama si walongbote sa kanyang komento dito sa blog ko – it’s always back to basic. At dahil miss ko rin si Master Rapper, alay ko na rin to sa kanya ang post na to. Pagtyagaan nyong tapusin at ng kayo’y di makarma. Dyok lang.

Ang Dakilang Pangulo
(Talambuhay)

Kaawaawang sanggol! Hindi magtatagal ang kanyang buhay.”
“May sinag ang noo ng bata. Mamamatay agad yan. Ngunit kung mabubuhay, siya’y magiging tanyag at dakila.”

Ang mga pahayag ay mga puna ng matatanda nang isilang si Ramon.
Mabubuhay ang aming anak. Pag-aaralin namin siya. Maghahanapbuhay siya ng marangal. Siya’y aming palalakihin. Balang araw siya’y magiging dakila,” ang wika ni Mang Exequiel, ang ama ni Ramon.
Dalawang taong gulang si Ramon nang mawala ang kanyang sinag sa noo. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Ramon. Hindi nagkatotoo ang puna ng mga tao.
Lumaki si Ramon. Tumulong siya sa kanyang ama sa paghahanapbuhay. Tinulungan din niya ang kanyang ama sa pagkukumpuni ng mga sirang sasakyan. Nag-aral siya at nakatapos sa kolehiyo.
Nagtrabaho sa pamahalaan si Ramon. Nataas siya sa tungkulin bilang magsaysay1 Kalihim ng Tanggulang Bansa. Dahil sa katapatan sa paglilingkod sa pamahalaan, nakilala si Ramon Magsaysay sa buong bansa. Napamahal siya sa mga tao dahil sa pagmamalasakit sa mamamayang Pilipino. Inihalal si Ramon Magsaysay bilang pangulo ng ating bansa.
Siya ang Pangulong nagmalasakit sa mga kababayang mahihirap. Kinakausap niya ang mga tao. Pinakikinggan niya ang kanilang mga kahilingan. Nagpagawa siya ng poso artesyano para sa mga tagabaryo.
Kasama lagi ng Pangulo ang mga magsasaka’t mangingisda. Nadama niya ang damdamin ng mahihirap, pinabuksan niya ang pintuan ng Malakanyang sa mga mamamayang Pilipino.

Sagutin Natin:
A. Magbigay ng paliwanag sa bawat tanong tungkol sa inyong binasang talambuhay.

1. Bakit natuwa ang ama’t ina ni Ramon nang sumapit siya sa gulang na dalawang taon?
2. Paano nagawa ni Ramon ang pagtulong sa kanyang ama?
3. Paano nakilala si Ramon Magsaysay sa iba’t ibang bahagi ng bansa?
4. Bakit napamahal si Pangulong Magsaysay sa maraming tao?

(Hango mula sa Bagong Filipino: Sa Salita at Gawa)

No copying. Paalam Kiko! Mabubuhay sana ang iyong ipinaglaban…

————————-

Photo credits: greatmindanaoan


About these ads

12 thoughts on “President Ramon Magsaysay: Isang Pag-aalay kay Francis M.

  1. Base!

    Napakafamiliar naman ng akdang ito ukol kay Magsaysay… :) Parang nabasa ko na rin… :) Hopefully, we will have a president that is at par with his persona.

    Last week, I joined a discussion in another blog I’ve stumbled into… We were discussing about love of country and the ongoing exodus of Filipinos who do not wish to return to the Philippines. One proponent said that the main reason why Filipinos leave the Philippines for good is the hopelessness they felt about our country’s plight. They have become cynical that change and a good future are indeed possible. Another weight to tip the scale is the family bias. Filipinos would do everything for their family – this is always above love of country.

    Of course what that blogger was saying is a resounding truth.

    I am saddened by this fact. I am saddened by the hopelessness and the cynicism of others. But I will continue to hope… and do things that I believe will make a stronger nation… :)

    Last week, as I was entering a bank to deposit my quarterly dues for World Vision, I was finding myself quite uneasy to let go of my own money – during these times! Though I have been doing this for almost 3 years now, the times are different. Literally, I found it difficult to write on the deposit slip. I forced myself to see the happy face of Edgar, my sponsored child. I forced myself to see the colorful houses of GK sites and the noisy and happy kids of GK-SAGIP.

    As I went out of the bank, I realized that to ensure a better future for this country, a certain amount of self-sacrifice is needed. I love this country, and so I need to go out of the center of myself and do unselfish acts.

    This is the reason why I posted, in my own way, a tribute to Francis M. As I said, I admire his love of country and his pride as a Filipino.

    Your entry struck a sensitive chord, so please indulge this separate “post.” :)

    Coolwaterworks

  2. ano ba ito? para tayong nagbalik sa basic nga ano? dun ako sa #4…minahal nya kase ang mga maliliit na mamamayan at dun sya nakilalala talaga lalo na nung pabuksan nya sa lahat ng antas ng tao ang malakanyang..nagyon ba nangyayari pa yun? hindi na po, dahil kung wala kang dalang referral letter galing sa taong kilala sa malakanyang ay di ka ata makakapasok, ayon lang yan sa mga kwento ng mga kakilala ko…

  3. Pingback: Any day now, OTWOMD is going to close down for GOOD… : OTWOMD | Bluepanjeet.Net

  4. Naintindihan po ang message “no copying”. Quote na lang kung walang kopyahan. hihihi.

    Kasama lagi ng Pangulo ang mga magsasaka’t mangingisda. Nadama niya ang damdamin ng mahihirap, pinabuksan niya ang pintuan ng Malakanyang sa mga mamamayang Pilipino.

    According sa ating mga “conspiracy theorists” could not be proven of course, ‘yan ang reason ng kanyang maagang pagpanaw.

  5. Mga igsoon – way kopyahay sa answer sa test po yon…aba’y dihens na pang grade 3 ang conspiracy theories ah…sabihin na lang natin na ang mga mababait ay madalas maagang namamaalam, hihi

  6. #1: dahil nawala ang sinag sa kanyang noo! tho wa ko kasabot unsa nang sinag… nabasa na man nako pud ni sauna pa sa elementarya hehehe

    #2 sa hanapbuhay ng kanyang ama? hehe
    #3 di q na matandaan :(
    #4 dahil malapit xa sa masang pilipino

    (dire mahibawan mubo ta ko memory basta history mao pay pagbasa nakalimtan na hehehe)

  7. Teacher ka talaga Day! It’s not hard to imagine na balang araw, nalaman na lang namin, President ka na ng isang University ng SPC (St. Paul) or RVM Sisters…tsadaaan…

  8. CWW: Thank you for sharing this personal stuff. I can sense how you try to live out your baptismal gift with intensity and beauty but not necessarily without some inner contradictions and ambivalence. But when i read that moment when you signed that deposit slip for World Vision, I thought you emerged out there triumphantly from the temptation to hold back. God knows what you are giving out of love.
    There is so much temptation for hopelessness around that often the easy way out is the way out of this country. This is our version of exodus. I can only pray that we can make this crisis opportunity a purifying opportunity and a time of a real covenant with God and our future. Like you, my take is this crisis can’t be an all-political struggle. There’s got to be a real translation of the concept of self-emptying that the Cross has exemplified.

  9. ndi ko naabutan si magsaysay. pero i really wonder… ito daw ang panahon na napakasaya sa pilipinas.. dahil napakabuting pangulo ni magsaysay.. bakit ba kasi kung cno pa ang gold-hearted, siya pa ang kinukuha.. at kung sino ang hindi, siya pa ang madalas na nananatili.. tsk!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s