Ice-buko

Sa isang payak na paraan, ako ay nakikiisa sa ating iilang matatapang na obispo, draybers, mga madre at seminarista (malaki man ang tiyan o maliit), estudyante, mga maybahay, magsasaka, magbobote, manggagawa, ta-artets, senador (may sayad man o wala), abogado at abogada, negosyante, balikbayan, IT geeks, underpaid guro, mga blagistang malalalim na ang mga mata, manunulat, mahilig sa tsismis na empleyado ng gobyerno, mga walang trabaho, hospital staff, at ng mga wala lang magawa – sa pagtutol sa isinusulong na bulok at walang modo na Charter Change bago ang 2010 na ang maitim na hangarin ay ang pagpapalawig ng kapangyarihan ng mga sakim nito sa pasimuno ng mga kamag-anak at mga tuta ng pangkasalukuyang Pangulo.

Ang haba ng placard ko ah. Maka-ice buko nga, tuyo na lalamunan ko. There goes the title of this post.

chacha

Woi, gusto ko lang i-buntot to – hingi lang ako ng dispensa sa mga tuta natin, mapa-chihuahua man o askal, sa pagsasalarawan ko sa mga asungot at galamay ni GMA. Sa susunod, ipis na gagamitin ko. Yes to puppies and nude PETA advocates (gusto mo i-link pa kita… kay Bentong in bed), NO TO CHA-CHA!

——————–

Photo credit: buck pago

2 thoughts on “Ice-buko

  1. Ok ang prose mo dito ah.ü
    Sana naman si Aling Glo eh makita nya na ang pinagmamalaki niyang Strong Republic ay isang ilusyon. Aba eh mas magastos pa ang publicity nya for ChaCha kesa sa mga housing projects sa urban poor. We already have her for two terms, it’s time to let go of the seat.
    As for ChaCha. Mataas ang pananalig ko sa constitution. kung nasusuway man ito, eh huwag namang baguhin. Hindi batas ang dapat palitan kundi ang pamamaraan ng pagsunod dito.

    Bro, ang latest nag-sorry si Tita Cory kay Erap sa pagsali nya sa EDSA DOS. napaisip tuloy ang mga tao: kung hindi pinatalsik si Erap, tiyak walang Gloria na nagpapahirap…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s