“Ti, ano na, salumon ko?” (Tagalog Post)

Ewan ko lang sa inyo pero kung ang Yuropa ay multilingual kagaya ng isang shipDutch misyonero na nagiging guro ko, driver, taga-bayad ng tuition, wedding coordinator, maintenance manager, cashier at taga-order ng ostiya at Mompo, eh tayo din naman mga Noypi. Ang kwento daw nya kasi, noong nasa seminaryo pa sila, sa oras ng pagkain, iba-iba ang mesa – may mesa para mag-English, may mesa para mag-Pranses, may mesa para mag-Aleman, may mesa para mag-Latin. Kung saan ka nakaupo, yun ang lengguwaheng bibigkasin mo. Para yung ningas-kogon na karanasan natin sa high school na pag nagbibisaya o nagtatagalog ka sa oras ng Englisan, ipapalinis sa yo ang isa o dalawang kubeta ng iskul. O di kaya’y magmumulta ka na lang para iwas-kadiri. Pero ang totoo, karamihan din ng Pinoy ay multilingual, kahit na hindi dumaan ng seminaryo o di kaya’y nakapagtapos ng high school. Madalas, pag ikaw ay magala sa bansa natin, nakakapulot ka maya’t maya ng lengguwahe ng taga-South o taga-North. Halimbawa na lang, itong isang jack-of-all-trade namin na minsan pay nakulong na rin sa pagpapakita ng ari dahil sa kalasingan – marunong sya mag-Bikol, Ilonggo, salitang Dabaw, Tagalog, at konting Waray. Kahit sa kanyang pagka-malibog, nakakaaliw na rin pakinggan ang kanyang pagiging multilingual. Sa kanya galing tong kwentong ito habang kinekwento nya rin na pag may bagyo sa Bikol, uunahin pa ng mga taga-Bikol ang pagsalba sa mga puno ng sili kay sa sarili nilang mga bahay.

Minsa’y sumakay sya ng barko at habang nasa laot tumatawid ang dambuhala, napansin nya ang isang mama hawak ang cellphone habang may kinakausap. Sa hindi inaasahang tagpo at dahil na rin malamang sa katangahan, nahulog ang mala-telepono na cellphone ng mama. Hindi alam kung ano ang gagawin, biglang lumapit siya sa isang crew ng barko at nagsumbong:

Mama: Sir, nahulog ang cellphone ko.

Crew: Ti, ano na, salumon ko?

(Tagalog: Ano ngayon, sisisirin ko?)
(Waray: Ano na ma, malurop ak? – thank you Nortehanon for the correction.)
(Bikol: Anungon yan, sisisidon ko?)
(Itawis of Cagayan Valley: Niko gafen, masisid nak gafen?)
(Ilocano: An ya, papanac?)
(Panggalatok of Pangasinan: An totan, laen ko?)
(Surigaonon: Nan kuman, ako sayumon?)
(Boholano: Unja, imo ko pasawmon?)
(Cebuano: Unya karon, mosawom ko?)

Ang galing ng crew na yon, ano?

—————

Photo credit: britz444

12 thoughts on ““Ti, ano na, salumon ko?” (Tagalog Post)

  1. Haha! Tonto nga crew ay… Kung ako to, ginkadlawan ko guro todo-todo ang nakadagdag cellphone kag hambalan nga “Kayman gatanga ka! Mirisi mo na!”

    Maldito na tubag sa? Bitaw, kasagaran sa mga Pinoy multilingual jud… Gasa siguro ni sa Ginoo sa atong mga dila na sayon ra makauyon sa ubang sinultian…

    Di ba nga, nadaig pa ng mga Pinoy ang diaspora ng mga Hudyo?… Nakakalat sa ibat-ibang panig ng mundo ang mga manggagawang Pinoy. At ang kakayanan sa pakikipag-usap ay hindi isa sa mga kakulangan ng ating lahi…

    With the sheer number of our overseas workers, some analysts say we are slowly invading the world. As my American friend once joked – God save the world from balut, bagoong and daing….๐Ÿ™‚

    Hehe tagal ko na ring hindi narinig ang “mirisi” Mark. napaisip ako madalas paano ba natin ma-tap ang pagiging multilingual natin for national development. often, the argument is we are too divided as an archipelago of many languages. Kakatawa naman ang balut, bagoong and daing. Prediction ni Einstein – the third world war will be fought by stones. Prediction natin – the next global conquerors will be armed with those items and every nook and cranny of the world ay mangangamoy ng ginamos, hahaha.

  2. Hahah hindi ko alam kung tama ang get-ching ko pero sasarilinin ko na lang muna at baka mali ang pagkakaintindi ko haha pero natawa ako. Ang tanga nung crew LOL

    Hahaha, suspended laugh ba. Ilonggo yung crew kapatid and if you are exposed to the Ilonggo accent, masarap na nakakatawa pakinggan yung pagka-pilosopo ng crew na may halong pangangaral sa mama.

    • Crew: Ti, ano na, salumon ko?

      Ang kultura nga naman pag hindi naintindihan.

      hayz….

      For me, it is more of a rhetorical question an/or answer by the crew.

      Sample:

      Sabi pa ng isang parokyano, padri ari may dala kami nga pagkaon, para gid ni sa imo padri. kaona padri.

      Pari, e, busog sinabing… “Salamat gid nga damo, tapos lang gid ko namahaw. busog busog gid ko manang.

      Parokyano: Sigi na bala padri, kaona na bala ang pagkaon nga among dala.

      Pari: “busog gid ko iya manang, salamat gid nga damo.”

      Namimilit talaga si manang. Alam mo na ang Filipino culture.

      Sabi pa ulit ni manang, “kaona bala padri. ay naano si padri nga indi gid kaonon ang among putahi.”

      Sagot ng pari: “ti ano, kung kaunon ko nang pagkaon mo kag magsururuka ako karon, kaunon mo man suka ko?

      rhetorical, i guess.

  3. Uy, taga bicol man ko pero di naman true yung sili thing, hehehehe!..Natuwa ako sa kwento mo. Internalise ko nga muna ksi tulad ni Bro. Bluep baka mali lang pagkakaintindi ko, lol!

    God bless po!

    Hi Mike, sana magaling ka na. Mukha ngang exaggeration yung pagliligtas ng mga puno ng sili. Alam mo naman ang mga lasinggo pag magkwento, parang si Carlo J. Caparas din…

  4. Dapat may no cellphone zone ang barko. Lagyan rin ng malaking plakard at mahabang lubid. Marami kasing walang sentido de common.

    Feeling Titanic siguro sis. Ang zones kasi sa Pinas, alam mo na, parang “hey-what’s-in-there-try-ko-kaya”. Ay naku, ang mga cellphone-addict!

  5. Anyway, tungkol sa pagiging multilingual ng mga pinoy, totoong totoo un, kahit saan tayo itapon, natutunan natin ang language nila at may accent pa! hehehe…

    Coolwaterworks is correct, we are slowly invading the world, at natawa ako sa God save the world from balut, bagoong and daing, hahaha!! Astig!

    Godbless po.

    Runong ka na mag-Malaysian?

  6. Kakatawa naman ang balut, bagoong and daing…Prediction natin – the next global conquerors will be armed with those items and every nook and cranny of the world ay mangangamoy ng ginamos, hahaha.

    Hahaha!!! Natawa nga rin ako dun sa joke ng kaibigan ko. He actually has Filipino neighbors (which are mostly emigrant health workers) and he adores our culture na nagbibigayan ng ulam at door-to-door pa…๐Ÿ™‚ Di nga lang niya masakyan ang hilig ng karamihang Pinoy sa balut, bagoong at daing…๐Ÿ™‚

    napaisip ako madalas paano ba natin ma-tap ang pagiging multilingual natin for national development. often, the argument is we are too divided as an archipelago of many languages

    Kasi tayong mga Pinoy ay very regionalistic… In fact, here in Cebu there is one radio station that plays the national anthem in Cebuano…

    This is where our national language should come in, at the same time a change in the curriculum of our schools to have one subject in high school or college na devoted to Philippine history… Life and Works of Rizal is a mandatory subject in college but in my section it was not taken that seriously except by some of us who had religiously read the assigned readings (and we were the only ones awed by Rizal’s brilliance in the words of foreign authors – a premier polymath)… And this new subject on Philippine history should incorporate local heroes. Most textbooks on Philippine history spotlight the deeds of the Tagalogs and very little or even none is being said about the other regional groups. This for me initiates the silent and subconscious contempt of other regions to the prominent Tagalog group with Tagalog as the basis for our national language adding insult to victory…

    Opinyon lang po…๐Ÿ™‚

    I agree about the regionalism, Mark that’s all the more upped by biased textbooks. With this well-entrenched “regional biases”, i’m still musing if indeed federalism is the better alternative but i’m not even 70% convinced with the kind of patronage, tribal politics and enduring family dynasties in our political landscape. Bottomline i guess is really having a sense of country and this is where your idea of a solid curriculum on Philippine history (her-story daw apil pud) comes in and despite the diversity of languages. And i think more important than having a unifying language is a common vision – where is this country headed for?

  7. parang naalala ko yung linyang

    “ti sa amon taga bagting kaon”. hihi

    Naa bitaw joke day. Ang pusod sa Ilonggo is kanto. Usap na ang Cebuano at Ilonggo:

    Ilonggo: Sa amon, kada pusod (kanto), may pulis gid ya!
    Cebuano: Sa amoa gyud, kada pulis may pusod (navel).
    (Sa isip ng Ilonggo, inaasar sya. Just a case of different meanings, aktuwali).

  8. Parang yung translation po yata ng Waray ay dapat “Ano man, malurop ako?” Or pwede rin po, “Nano man, lurupon ko?” ‘Yan ay depende kung saang part ka pa ng Samar hahaha!

    Sa loob lang ng tatlong lalawigang bumubuo sa Samar, naparaming uri na ng paraan ng pagsasalita. Bawat bayan dun, may sariling version ng Waray hehehe.

    Mark, dun sa sinabi mong God save the world from balut, bagoong and daing (at ngayon isama na natin ang ginamos ni Dfish hehehe), naalala ko yung news kahapon lang na merong isang Pinay sa US ang inihabla ng mga miyembro ng kongregasyon ng mga madre at ng iba pa nilang kapitbahay dahil nagluto siya ng tuyo. The nuns (who were also living in the same building) and other neighbors called for the fire department saying there was a foul smell that they suspected was coming from a decomposing body. Nasa korte na ngayon ang kaso. Napaka-powerful ng tuyo hehehe. So now it is God save the world from balut, bagoong, daing, ginamos, and tuyo hehehe

    This is outrageously unfair to the point of being funny for us but an olfactory oppression for the Northerners. Sabagay, those litigations could extend as far as a mother suing an unemployed daughter for the household electric consumption. That’s America! Thank you for the correction. my officemate said “malurop” is what she told me.

  9. Pingback: Fiction or Non-Fiction: The Story of Mrs. Rizal (the widow of Dr. Jose Rizal) « EXODIANS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s