Kagandahang Espi ang Pangalan

Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo. ”
“Panginoon, ibig kong makakita.

Kahit hindi kasintagal ng mga beteranong blagista ay mahaba-haba na rin marketang oras na inilaan ko sa paglalathala sa blogospiriya, marahil na rin sa uri ng illegal recruitment agency na pinapasukan ko at sa klase ng trabaho na na-assign sa akin. Yung oras at panahon na yon ay mahuhulog lang kaya sa wala na parang investment sa lintek na Lunacy Plans na yan? Hindi naman siguro. Ang panahon ay panahon at kung pangil ng krisis pang-ekonomiya ang pag-uusapan, ito ay napakahalagang yaman. Sa madaling sabi – ayokong mawalan ng trabaho dahil lang sa walang kwentang pagba-blog. At isa pa, at malamang ay nakakauntog-ulo na rin na katotohanan – gaano nga ba kahaba ang buhay? “Our span is 70 years, or 80 for those who are strong (Psalm 90)”. Mga lolo’t lola ko – pinakamahaba na ang 70. Kaya, ba’t ko pagsasawaan ang pansit kung ito’y nagpapahaba pala ng buhay. Alam nyo na ibig kong sabihin – wag mag-aksaya ng LPG habambuhay kasi sa langit walang LPG.

Sa totoo lang, yung pagka-mapagnilay ko ay katuwang na rin ng pagka-introvert ko. Kaya hanggang ngayon ay wala akong Facebook account at kailanma’y hindi nagka-Friendster account din. Email lang talaga at lately, Linux keep me relevant in the information highway. Pero nung mag-umpisa akong mag-blog, kakaibang biyahe ang tinahak ko dahil dito, nagta-tug of war ang pagiging mapagnilay ko at ang pagiging bukas sa walang hangganang mundo ng blogospiriya. Hindi madali kasi ikanga sa Englis: being vulnerable is almost unescapable.

Sa samu’t saring kadahilanan nahuhumaling ang isang blagista sa ganitong obsession-compulsion gawain. Hindi ko na kelangang gumawa ng listahan. Pero mula sa aking tolda, ito ay ang paghalo-halo Chowking ng iba’t-ibang pangangailangan upang mahabi ang isang payak ngunit mapanuring mosaic: pananampalataya at panalangin, pamilya at dabarkads, kahapon at ang pangkasalukuyan, kirot at galak, pangangatwiran at pagkamangha, paglakbay tungo sa tunay na sarili at panunuri sa mga pangyayari sa labas. Kung merong salita na magbubuklod sa mga ito, ito ay ang ESPIRITWALIDAD (Spirituality).

Kung ang pag-unawa mo sa espiritwalidad ay yaong mariing pagtutok lamang sa mga gawaing pang-relihiyoso gaya ng pagluhod sa simbahan o pagkaway ng palaspas at ang mga ito’y walang kaugnayan sa ating pampulitikang pamumuhay bilang mamamayan, aba’y sasabihin ko na sa yo ngayon din na ang social networking ay isa ding mukha ng espiritwalidad sapagkat nandyan na rin ang hangaring mapabilang sa isang safe at mapagtanggap na komunidad. May kaibahan kaya ito sa hangaring matapyasan ang korapsyon sa gobyerno para maging safe din ang ating mga pamilya? It’s a tie, sabi pa ni Ai-Ai!

Kaya hanggang ngayon ay nag-aaksaya naglalaan pa rin ako ng panahon sa isang halimaw kagandahang nagngangalang Espi kasi sya na rin ang unti-unting nagmumulat sa akin para mas lalo ko pang maalintanaw ang Kagandahang Kabuuan. Amen.

——————-

Photo credit: Ze Eduardo

8 thoughts on “Kagandahang Espi ang Pangalan

  1. ay naku, nakakahumaling talaga ang pag blog at siguro kahit ko’y matanda na e gagawin ko pa rin ito dahil dito, walang limitasyon ang anumang gagawin mo..

  2. Ako rin mananagawog na rin sa akong puna at komentaryo, kahit malalim intindihin, nang dahil sa maimtim na pananalangin, na get din kahit konting liwanag man lamang. Ipagpatuloy ang blogging. Salamat mga kapatid!

  3. Sweet naman. Kakatuwa ka po magsulat. Ang dami mong paksang natatalakay sa isang post. Merong tungkol sa buhay, may blogging, may spirituality tapos sa wife mo. Ayos! Hehe..

  4. Pareho pala tayo in some sense… Most people see me as an introvert due to my “reflective” ways… hehehe…

    Sometimes we also need to be open to others… Naalala ko tuloy ang Dead Sea…🙂

    Keep on blogging lang kapatid… You have an avid reader in me, kahit minsan kulelat sa comments…🙂

    Coolwaterworks

  5. @ emilayskie: thanks for the compliment. mahilig lang talaga siguro pagkabit-kabitin ang mga “fireflies of ideas”.

    @diaryofmiel: haha, “social idiot” daw. can you define please?

    @CWW: kanya-kanyang karisma nga talaga ano. Parang may idea ako dun sa parable of the Dead Sea and the Jordan River.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s