What’s up with the cervical cancer vaccine Gardasil?

Sa mga hindi pa nakakabasa nito, re-post po ito ng article ko na nabandilyo originally sa Barrio Siete. Alam nyo naman, kahit Barrio lang, ang daming interesante magbasa doon. Fr. Felmar,SVD and a lot of readers, lalo na yung may mga cervix, nag-aalaga ng may cervix, at gustong malaman anything about cervix, found this article informative. Kaya dahil na rin sa kanila, La Kapitana, ibandilyo ko na rin dito sa Palaisdaan sa Disyerto:

Napadalaw ako sa bahay ni Brainchild at medyo nagulat ako sa isa sa mga recipe nyang inihain. Ito’y patungkol sa balitang kumakalat ngayon sa bansang Amerika tungkol sa cervical cancer vaccine na may pangalang Gardasil. Tinanong ako ni Brainchild kung ano ang aking opinyon dito at ipinaalam ko na rin sa kanya na ilalathala ko na lang ang aking sagot sa Barrio Siete kasi marami din may cervix dito haha. Ang mababasa nyo ay less of a medical opinion but more of the simplified facts na hinalungkat sa Net. Marami tayong mababasa na medical information online, kaya lang madalas mahirap pagdugtong-dugtungin at nguyain ang mga ito because they are dressed in scientific jargons, isang disadvantage ng “elite education.

Heto na ang mga facts, ang mga pangunahing sources ko ay ang New York Times, ABC News at ang leading medical journal na JAMA.

Unang fact: wala akong cervix, toinks! Ewan ko lang si Kapitana at Mel hehe.

Heto na, walang biro:

Umpisa tayo sa HPV o human papillomavirus. Isa itong uri ng virus obviously. Ang virus ay hindi cancer, okay. Ang HPV ay may 100 na uri (ang lalaki ay pwedeng magkaron din), subalit, ngunit, gayunpaman, meron lang 15 ang tinatawag na oncogenic o naging sanhi ng cancer o prone to cancer. Mga potential killer vuris talaga ang mga ito. Sa madaling sabi, ang mga oncogenic na HPV ay nakaka-cause ng cancer. Napatunayan ito ni zur Hausen at ito’y nagpanalo sa kanya ng Nobel Prize sa Physiology last year.

Punta tayo ngayon sa vaccines. Gising pa ba kayo?

Ang kasalukuyang cervical cancer vaccines laban sa HPV, ang totoo daw, dalawang klase lang ng oncogenic HPV ang tinatarget. Paano na yung 13 na kapwa oncogenic din. Silent pa dito ang medical literature. Ang dalawang ito ay ang HPV-16 at HPV-18. Linawin natin: kung ang isang dalagita ay nagkaroon ng HPV-16 or HPV-18 (o iba pang oncogenic HPV), hindi po nangangahulugan na sila ay sigurado 100 per cent nang magkaron ng cervical cancer 20 or 40 years after. Mataas lang po ang probability na magkaron sila ng cervical cancer.

Ang HPV ay ang pinakamadalas na sexually transmitted infection. Ang layunin ng cervical cancer vaccine o HPV vaccine ay pigilan ang infection upang sa gayun ay walang cancer din ang mamumuo. Parang vaccine lang sa Hepa B halimbawa na para hindi magka-cirrhosis o cancer sa atay.

Kailan pinahintulutang gamitin at ginamit ang HPV vaccine? June 2006 po sa Amerika. Para kanino? Recommended po ito sa mga babaeng may edad 9 hanggang 26, at 11 to 12, kung maari (may consent ng parents halimbawa) ay gawing routine vaccination na may tatlong rounds. Hindi po ito compulsory sa Amerika kagaya ng ibang vaccines.

Ano ang kasalukuyang pinagkakaguluhan sa HPV vaccine na ito? Pakape muna Kapitana, frapuccino daw ako ayon kay Fishbuk. Mahalia – may donut ka ba dyan?

Ang specific na pangalan ng HPV vaccine na ito ay Gardasil, gawa ng higanteng pharma company na Merck. Mula June 2006 hanggang June 2009, 25 million doses na po ng Gardasil ang nailapat, at nakaipon na rin ng net sales ang Merck na $1.4 billion. Para ma-promote po ang vaccine na ito worldwide, ang Merck ay kumuha ng mga professional medical associations kagaya ng mga sumusunod:

  • Society of Gynecologic Oncology
  • American Society of Colposcopy and Cervical Pathology
  • American College Health Association

Balak pa lang po nila ngayon idagdag ang Barangay Bolinao Health Workers Association hahaha.

May masama ba sa marketing strategy ng Merck? Depende. Ikanga ng JAMA – kung balanse naman ang kanilang mga educational materials at ang kanilang mga strategies ay hindi nakaka-kompromiso sa tunay na clinical status ng Gardasil gaya ng totoong risks at benefits nito.

Ano nga ba ulit ang isyu?

Heto: Gumawa kasi ng study ang Center for Disease Control at Food and Drug Administration, kapwa mga government agencies ng Amerika, tungkol sa safety ng Gardasil. Ang layunin ng study – to analyse the 12,424 reports of adverse events matapos maibigay ang HPV vaccine mula June 1, 2006 hanggang Dec. 31, 2008, mga 23 million doses ng vaccine at 7 million na kababaihan ang nabakunahan. Heto ang resulta ng study:

  • 8.2 reports of fainting per 100,000 vaccine doses
  • 6.8 reports for dizziness per 100,000 vaccine doses
  • 772 reports were considered serious
  • 32 reports of death, but only 20 were verifiable with sufficient information

Heto ngayon ang mga katanungan patungkol sa report:

  • Accuracy ng report: marami sa mga adverse events reports na ito ay sinumite mismo ng Merck (hmmm)
  • Reporting system: ang CDC at FDA ay ginamit lamang ang voluntary reposting system na kung tawagin ay Vaccine Adverse Events Reporting System (VAERS) at hindi controlled ang study kaya walang baseline data na pagbabasehan kung ang pagkamatay halimbawa ay sanhi ng bakuna o nang ibang kadahilanan. Ang reporting system na ito ay open sa gustong mag-report ng hindi kanais-nais na epekto ng Gardasil, pati na ang mga ka-kompetensyang pharma companies ng Merck.

Sa ngayon, hati ang mga doktor at clinical experts patungkol sa risks at benefits ng Gardasil. Hindi pa kasi malinaw at established kung ang mga adverse events gaya ng pagkahilo o blood clotting o pagkamatay ay direktang sanhi ng bakuna o “in association with the vaccine” only.

May mga nagsasabing maliit lang na porsiyento ang adverse events kumpara sa pangkalahatang benepisyo.

May mga nagsasabing hindi na kailangan ang vaccine dahil mapigilan naman daw ang HPV infection through proper screening like Pap smear (most cancers were prevented through early screening and detection).

Meron ding nagsasabing nagmamalabis ang Merck sa kanilang promotion na para bagang bawat babae ay equal ang risk for cancer kung kaya’t lahat ay kailangang mabakunahan.

Isa ang malinaw na sinang-ayunan ng karamihan: kailangan ng karagdagang panunuri ng risks at benefits nito na nakabase sa siyentipikong pag-aaral at ng maipa-alam ito sa mga indibidwal na tatanggap ng bakuna. Samantala, kahit recommended pa ito ng CDC, hindi dapat pilitin ang sinuman na hindi kampante sa safety ng Gardasil. Ang mga magulang at mga babae ay dapat mabigyan ng space na magdesisyon, batay na rin sa sapat na impormasyon na responsibilidad lalo na ng kanilang mga doktor.

Hanggang dito lang po. This post is paid for by secret sponsors. Joke lang. Ginagaya ko lang ang mga pesteng infomercials.

11 thoughts on “What’s up with the cervical cancer vaccine Gardasil?

  1. nabasa ko nga ito sa barrio ser dfish.

    nakakatakot yung sa vaccine kasi may recorded death pala.

    dapat binabantayan muna ang distribution bago kumalat ang isang gamot kasi kalusugan ang nakasalalay.

  2. Nung nasa Pinas ako last month, nakapunta ako sa hospital at may nakita akong posters about cervical cancer. Nakakatakot na talaga ang mga sakit ngayon. Very alarming.😦

  3. i had myu first shot last week, and late na nang mag research ako at ma found out ko itong mga nega about this gardasil, now im asking kung may masama bang epekto if hindi ko na itutuloy yung second vaccine and third? pls help me…im getting scared…

  4. if nothing happened to you in the first shot (example: anaphylactic shock which can be a cause of death), most likely the next 2 shots would be ok. i have completed my 3 shots, 2 years ago. i have given almost 200 vaccines to this date, only 1 was admitted due to vaccine reaction. you’d be ok. it is advised to get the shots in the clinics which are based in tertiary hospitals not in malls.
    by the way, the death toll related to the vaccine included vehicular accident which happned after the shot.
    benefits still outweigh the risk, definitely. please complete the 3 shots, it’s worth the expense & the pain & the risk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s